- Ang tunay na chicks, walang underscore at number sa email address.
- Ang tunay na chicks, laging mabango ang buhok.
- Ang tunay na chicks, dalawa sim card. Isang globe at isang sun.
- Ang tunay na chicks, ayaw sa pink.
- Ang tunay na chicks, hindi edited ang pic. Walang caption at design.
- Ang tunay na chicks, laging may regload.
- Ang tunay na chicks, isa lang fb account at hindi nag aadd ng hindi nya kilala.
- Ang tunay na chicks, kumpleto magtext. Kahit tagalog hindi shortcut.
- Ang tunay na chicks, walang imaginary boyfriend.
- Ang tunay na chicks, kayang magcartwheel kahit meron.
- Ang tunay na chicks, hindi nanghahampas sa braso kapag nagkwekwento.
- Ang tunay na chicks, hindi talkshit.
- Ang tunay na chicks, walang extra padding ang bra. She’s proud of her body kahit ano pang bust size meron siya.
- Ang tunay na chicks, di nilalike ang sariling status.
- Ang tunay na chicks, di pinoproblema ang kadate sa valentines. Kung meron edi okay. Kung wala, wala.
- Ang tunay na chicks, kayang pumatay ng ipis.
- Ang tunay na chicks, maganda ang mata.
- Ang tunay na chicks, maganda kahit naka-school uniform.
- Ang tunay na chicks, kanin ang breakfast sa umaga. Hindi tinapay o cereal.
- Ang tunay na chicks, gumagamit ng vintage necklace. Hindi yung naglalakihang SLR na sinasabit sa leeg.
- Ang tunay na chicks, parang GIRLSCOUT. Ready sa lahat.
- Ang tunay na chicks, di takot sa dilim.
- Ang tunay na chicks, masarap kasama. Hindi nauubusan ng kwento. Hindi ka mawawalan ng ngiti.
- Ang tunay na chicks, alam yung rule na dapat ang belt ay kakulay ng shoes.
- Ang tunay na chicks, kumakanta kapag naliligo.
- Ang tunay na chicks, simpleng maganda.
Wala. Ginawa nyo na kasi yun e! Nahihiya ka? Tanggapin mo nalang kung anoman yung masasabi nila sayo. But you have to defend yourself kung bakit nyo nagawa yun; if they will ask you why. Well, uso na naman ngayon ang sex with friends =)
11.07.11Tara sa kwarto at ieexplain ko!
Ang hirap no? Ang hirap magpanggap sa isang tao na mahal mo s’ya kahit hindi naman talaga iyon yung nararamdaman mo. Dahil nasa puso mo pa rin ‘yung taong talagang nagpapatibok ng puso mo. Kahit hindi mo mahal nakikipagrelasyon ka, matakpan lang ‘yung sakit na nararamdaman mo sa pagkawala sa iyo ng taong mahal mo.
Minsan, gunagamit natin sila sa pag iinakalang makakayanan mo rin silang mahalin sa paraang alam mo. Pero kahit anong gawin mong pilit sa sarili mong mahalin ang taong ito, balewala pa rin dahil hindi naman talaga s’ya ang taong tunay mong mahal. Minsan, iisipin mo na madali lang ‘yon gawin, madali mo rin s’yang matututunang mahalin.
Pero ikaw sa sarili mo, alam mo kung sino ‘yung taong alam mong makakapagbigay ng kasiyahan sayo, hahanap-hanapin mo pa rin ang taong ito kahit na nasa isang relasyon ka na. Ang makipagrelasyon sa taong hindi mo mahal ay mahirap. Pa’no ka makikipaghiwalay sa kanya ng ‘di s’ya masasaktan? Imposible di ba dahil lubos kang mahal ng taong ito. Ano nalang ang iisipin n’ya sayo? sa ginawa mo? Isa lang s’yang panakip butas sa sakit na nararamdaman mo.
Hindi madaling tapusin ang ganitong pangyayari sa isang relasyon. Lalo na kung ang lalakeng ito ay lubos na umaasa na minamahal mo rin s’ya katulad ng pagmamahal na binibigay n’ya sayo.
Nakakatawa lang. Ang daming nakikipagpaligsahan tungkol sa kung saang eskwelahan ang kanilang pinapasukan. Di naman porket sa pribadong paaralan ka nanggaling e pakiramdam mo matalino ka na. Meron nga dyan sa mamahaling eskwelahan pinag-aaral ng magulang ‘yun naman pala lakwatsa lang ang alam at mang-BULLY ng tao. Sa mamahaling eskwelahan ka nga nag-aaral, wala ka namang alam. Non-sense rin, diba? Tapos makakagraduate ka.
Aminado ko hindi ako galing sa pribadong eskwelahan pero marunong ako gumalang sa katayuan ng buhay ng isang tao. Wala naman akong pinipiling kaibigan.
Ang katalinuhan wala yan sa eskwelahan na pinapasukan mo, nasa kapasidad yan ng utak kung hanggang saan lang ba ang kaya mo. Marami nga kaming aplikante na galing sa iba’t-ibang pribadong eskwelahan katulad nalang ng sinasabi nyong maganda eskwelahan pero hindi pa rin sila pumapasa kahit gaano pa kaganda yung eskwelahang pinaggalingan nila e. Bakit? Kasi kulang rin yung kakayahan nila na gawin yung isang bagay. Unang interview palang e bagsak na.
Yan yung sinasabi na di yan nakikita sa paaralan kung saan ka galing, nasa kakayahan yan ng tao. Kaya iwasan na natin yung mangutya.







